DOJ hawak na ang ilang ebidensya sa ‘misencounter’ ng PNP at PDEA

Ilang ebidensya ang hawak ng Department of Justice na gagamitin upang mabatid ang ugat nang naganap na “misencounter” sa pagitan ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency at Quezon City Police District nitong nakaraang buwan.

Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na hawak na nila ang ilang CCTV footages at sinumpaang salaysay ng ilan na sangkot sa engkuwentro noong Pebrero 24 sa tapat ng isang mall sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Nagresulta ang engkuwentro sa pagkakasawi ng limang indibidwal kabilang ang dalawang pulis, isang tauhan ng PDEA, isang informant at isa pa.

Gagamitin ang naturang mga ebidensya sa pagdetermina kung sino ang may lehitimong operasyon at kung sino ang nag-umpisa ng palitan ng putok.

Aalamin din kung totoong nagkaroon ng koordinasyon sa pagitan ng dalawang ahensya na dapat ay mga sindikato ng iligal na droga ang kalaban.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.