15 siyudad sa bansa, may pinakamataas na bagong kaso ng COVID-19

Inihayag ng OCTA Research Group na 15 na siyudad sa bansa na may pinakamataas na bagong kaso ng novel coronavirus disease ang matatagpuan sa Metro Manila.

Kabilang sa may pinakamataas na bagong kaso ay ang mga siyudad ng Quezon City, Maynila, Pasay, Makati, Parañaque, Taguig, Caloocan, Pasig, Malabon, Marikina, Navotas, at maging ang Valenzuela na noong nakaraang linggo ay nakapagtala ng downward trend sa novel coronavirus disease cases.

Sa labas ng National Capital Region, kabilang sa Top 15 ang lungsod ng Cebu, Mandaue at Lapu-Lapu sa lalawigan ng Cebu.

Klasipikado na rin ang Metro Manila na “high-risk” ngayon.

Ipinanukala ng OCTA Research group na patuloy na ipatupad ang curfew, pagbabantay sa mga hangganan o border, pagpapaliit sa kapasidad ng mga establisimiyento, pagbawas sa pinapayagang pagtitipon at patuloy na pagsunod ng publiko sa mga protocols.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.