400,000 dosis ng Sinovac handa nang ipadala sa Pilipinas

Sinaksihan ng mga opisyal ng Philippine embassy sa Beijing ang pagkarga ng second batch ng Sinovac vaccines noong Lunes, Marso 22, sa storage facility sa Daxing, Beijing. 400,000 dosis ng bakunang donasyon ng Tsina ang darating sa Pilipinas sa Marso 24.

Sinabi ni Ambassador Jose Santiago Sta. Romana ng Pilipinas sa Tsina sa panayam ng China Media Group Filipino Service, na mahalagang sandata ang bakuna laban sa COVID-19.

Kaugnay ng pagkakaroon ng pagdududa sa bisa at pagiging ligtas ng bakuna mula sa Tsina, sinabi ng ambassador na maraming bansa bukod sa Tsina ang nagpakita ng mahusay na karanasan at resulta sa paggamit ng Sinovac gaya ng Indonesia, Chile, Brazil at Turkey.

Kasabay nito, ang (vaccine) data aniya ay pumasa sa Food and Drug Administration (ng Pilipinas), at maraming doktor na ring nabakunahan na at ang kanilang karanasan ang nagpapatunay na mahusay at mapagkakatiwalaan ang Sinovac.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.