Maynila, Caloocan nagbawas ng working capacity sa city hall

Nagpatupad na simula Marso 15 ang Manila City government ng 30% working capacity sa kanilang mga tanggapan sa city hall upang makabawas sa posibilidad na mas marami pa ang magkahawaan dahil sa muling pagsipa ng COVID-19.

Ang kautusan ay inilabas ni Mayor Isko Moreno matapos ang isinagawang emergency meeting, kasama ang mga key officials ng city government upang talakayin ang COVID-19 situation sa lungsod.

Anang alkalde, “Babalik tayo sa pagbabawas ng mga tao sa city hall para precautionary measure. I believe in you na kahit onti lang tayo, makakapag function tayo efficiently.”

Hiniling din ni Moreno sa Manila Police District Chief na kanselahin ang lahat ng leaves ng kanyang mga tauhan, maliban kung medical leaves.

Samantala, inutos rin ni Caloocan City Mayor Oca Malapitan ang pagpapatupad ng 50% skeletal workforce para sa mga kawaning pumapasok sa mga tanggapan ng Pamahalaang Lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.