Health workers pinababawi ang curfew

Pinababawi ng mga health workers ang ipinatutupad na curfew sa Metro Manila dahil lalo lang nitong patataasin ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Iginiit ni Dr. Tony Dans ng Health Professionals Alliance Against COVID-19 na dapat irekonsidera ng mga lokal na pamahalaan ang desisyon na magpairal muli ng curfew dahil mapipilitan ang mga tao na magtrabaho sa limitadong oras, siksikan sa kalye at sa workplaces.

Ani Dans, “Curfew has bad effects because it limits the number of hours people can travel to and from work. How can we allow people to distance with curfew hours limiting their travel time? We should broaden time for work hours, not narrow it.”

Sinabi naman ni Dr. Aileen Espina na sa halip, ang mga may-ari ng kumpanya at iba pang negosyo ay magpatupad ng work from home setup at isaayos ang bentilasyon ng mga lugar na pinagtatrabahuhan dahil nakakapag-ambag umano ito sa pagdami ng kaso ng COVID dahil sa hawaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.