LGUs hayaang manguna sa COVID-19 testing, tracing, isolation at pagbabakuna – Kiko

Sa harap ng patuloy na pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa unang taon ng community quarantine, iginiit ni Senador Francis Pangilinan sa Department of Health na palakasin ang mga lokal na pamahalaan upang matugunan nila ang hamon na pigilan ang pagkalat ng nasabing sakit.

Ayon kay Senador Kiko, dapat bigyan ng DOH ng sapat na kapangyarihan ang mga lokal na pamahalaan para direkta nilang matugunan ang mga hamon na dulot ng pandemya.

Bukod sa pag-quarantine, dapat din bigyan ng DOH ng kapangyarihan ang mga lokal na gobyerno na magsagawa ng mass testing, tracing, isolation, at pagbabakuna.

Iginiit ni Pangilinan na kailangan ng mga lokal na pamahalaan ang suporta mula sa gobyerno para mapalakas ang kanilang mga pagkilos para makontrol ang pagkalat ng virus.

Naniniwala and senador na mas may kakayahan ang mga lokal na pamahalaan na matugunan ang mga hamon sa kanilang mga nasasakupang lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.