11K kada araw na COVID-19 case sa katapusan ng Marso – OCTA

Malamang na pumalo sa 11,000 na bagong kaso ng COVID-19 kada araw sa buong Pilipinas kung ang kasalukuyang trend in inpeksyon ay magpapatuloy batay sa pahayag ng mga eksperto ng OCTA Research Group.

Unang tinaya ng grupo ang projected daily cases hanggang 8,000, pero ang reproduction rate o ang bilang ng mga taong infected ng virus ay tumataas sa 2.03.

Pahayag ni Guido David, miyembro ng OCTA Research team, na ang outbreak ay nagsimula sa mga lungsod ng Pasay, Malabon, at Navotas hanggang sa kumalat na sa maraming lugar sa Metro Manila.

Mataas din anya ang pagtaas ng kaso sa mga lalawigan na malapit sa National Capital Region tulad ng Rizal, Cavite, at Bulacan. Sa Cebu City anya na bumaba ang kaso ay nakakakita ngayon ng bahagyang pagtaas.

Sinabi ni David na ang pagdami ng mga lumalabas na tao at pagbaba naman ng pagsunod sa health protocols ang ugat ng pagdami ng kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.