State of emergency sa ASF inindorso ng Senado

Inindorso ng Senado sa Malakanyang na magdeklara ng state of national emergency dahil sa pagkalat ng African Swine Fever na pumipeste sa mga baboy.

Ayon kay Senador Cynthia Villar, chairman ng committee on agriculture, kapag may state of national emergency ay maglalaan ang gobyerno ng pondo pang ayuda sa magbababoy na mapipilitan na ipapatay ang kanilang mga alaga at hindi na ibenta dahil may ASF.

Sinabi ng Department of Agriculture na maglalabas sila ng 28 bilyon piso na pang tulong sa magbababoy dahil sa ASF subalit lumalabas na ang 27 bilyon piso nito ay ipapautang at ang 500 milyon piso lamang ang ibibigay bilang ayuda.

Mapagkukunan naman umano ng pangtulong sa mga hog raisers ang nakukuhang taripa o buwis sa importasyon sa mga baboy.

Sinabi naman ni Agriculture undersecretary Ariel Cayanan na nagbibigay na sila ng ayuda para sa bawat baboy na nagkakasakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.