20 milyong doses ng COVID-19 vax inaasahan sa 2nd quarter ng 2021

Inihayag ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na may inaasahan pa ang gobyerno na 20 milyong doses ng bakuna laban sa COVID-19 sa ikalawang quarter ng taon.

Sinabi ni Galvez na posibleng sa Abril, Mayo o Hunyo matatanggap ang karagdagang bakuna.

Ayon pa kay Galvez na tumatayong chief implementer ng National Task Force Against COVID-19, sa Hunyo o Hulyo inaasahang darating ang shipments mula sa Sinovac, Novavax at World Health Organization-led COVAX facility.

Inulat din niya ang nakaraang shipment ng bakuna na 38,400 doses ng AstraZeneca mula sa COVAX facility at sa huling delivery ay umabot na sa kabuuang 525,600 doses ang nakuha ng bansa dahil sa pagkilos ng WHO.

Nagsimula na ang mass vaccination sa mga health frontliners noong Marso 4 sa Cagayan de Oro City, Vicente Sotto Memorial Hospital sa Cebu City, at Southern Philippines Medical Center sa Davao City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.