Jobless na Pinoy pumalo na sa 4 milyon

Mula nang magdeklara ng enhanced community quarantine sa buong bansa dahil sa pandemya ay pumalo  na sa apat na milyong Pinoy ang nawalan ng trabaho.

Ito ang resulta ng isinagawang survey ng Philippine Statistics Authority sa pagpasok ng 2021 na mas malaki ito ng 1.6 milyon kung ikukumpara sa mga walang trabaho ng kaparehong buwan ng Enero 2020.

Mula nang magdeklara ng ECQ ang pamahalaan sa buong bansa noong Marso 15, 2020 ay umabot sa 3.8 milyon ang nawalan ng hanapbuhay noong October.

Noong 2020 ang average jobless rate ay 10.4 percent, o 4.5 million adult Filipinos, pinakamataas simula noong 2005.

Naitala naman ang underemployment rate sa Enero 2021 sa 16 percent, ayon pa rin sa datos ng PSA. Karamihan sa mga nawalan ng trabaho ay galing sa kumpanya na napilitang magsara tulad ng hotel and restaurant, tourism industry, airline industry, at ibang transportation services.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.