Early registration sisimulan sa huling bahagi ng Marso – DepEd

Sisimulan na ng Department of Education ang early registration para sa School Year 2021-2022 sa huling bahagi ng buwang kasalukuyan.

Ayon kay Education Undersecretary Jesus Mateo, ang early registration ay nakatakda nilang isagawa sa Marso 26, sa pamamagitan ng remote registration.

Inaasahan namang magtatagal ang naturang aktibidad hanggang sa Abril 30 lamang.

Kabilang sa mga maaaring magpatala sa early registration ay ang lahat ng incoming Kindergarten, Grades 1, 7, at 11 students sa lahat ng pampublikong elementary at secondary schools.

Opsiyonal naman ang pagdaraos nito sa mga pribadong paaralan.

Karaniwan nang idinaraos ang early registration sa huling linggo ng Enero kada taon.

Gayunman, dahil sa naganap na adjustment sa school calendar dulot ng COVID-19 pandemic ay nagkaroon rin ng pagbabago sa petsa ng pagdaraos ng maagang pagpapatala ng mga estudyante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.