‘Time-out’ ng health workers ‘di napapanahon – DOH

Hindi pa napapanahon para humingi muli ng ‘time-out’ ang mga healthcare workers sa bansa dahil makakaya pa naman umano ang sitwasyon sa kabila ng muling pagtaas ng bilang ng dinadapuan ng COVID-19.

Iginiit ni Health Undersecretary at spokesperson Maria Rosario Vergeire na nasa “manageable level” pa rin ang sitwasyon sa mga ospital kahit na tumaas ang admisyon ng mga pasyente.

Paliwanag ni Vergeire, “When we went around nakita natin dumadami po talaga ang mga tao sa (emergency room), ang may mga sintomas ng COVID. Pero to say that the system is overwhelmed? No.”

Kung darating naman umano ang punto na kakailanganin muli na magpahinga ang mga healthcare workers para hindi naman sila ang magkasakit o bumigay ay irerekomenda naman ito ng DOH sa pamahalaan.

Tanging nakikita nila ngayon ay ang pagpapabaya ng publiko sa ‘safety protocols’ kaya tumaas ang bilang ng mga kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.