Visa applicant na naturukan ng bakunang Tsino, binibigyang ginhawa

Ayon sa anunsyo ng Pasuguan ng Tsina sa Pilipinas, simula Marso 15, bibigyang-ginhawa ang mga Pilipinong visa applicant na naineksyunan na ng bakunang Tsino at may vaccination certificate kontra sa Coronavirus Disease 2019.

Layon nitong mapanumbalik ang maayos na biyahe sa pagitan ng Pilipinas at Tsina, anang anunsyo.

Paalala ng pasuguang Tsino, ilalabas sa lalong madaling panahon ang karagdagang palatastas hinggil sa kahilingan sa pagpiprinsita ng visa at vaccination certificate.

Bukod dito, pinapa-alala rin sa mga nagpiprisinta ng visa na hintayin lamang ang ispesipikong petsa kung kailan sisimulang tanggapin ang visa appointment.

Para sa buong anunsyo ng pasuguan, pakipuntahan ang webpage ng Chinese Embassy sa Pilipinas.

Samantala, sa katulad na anunsiyo, ipinatalastas din ng mga Pasuguang Tsino sa Hapon, Pakistan, Israel, Thailand, at iba pa ang naturang impormasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.