Bayan ng Alitagtag sa Batangas, handa na sa posibleng pagsabog ng Taal

Handa na ang lokal na pamahalaan ng bayan ng Alitagtag sa Batangas matapos itaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology sa alert level 2 ang bulkang Taal.

Ayon kay Mayor Edilberto Ponggos, “Kami naman ay may mga contingency plan na ang bayan namin at almost lahat ng bayan meron na sapagkat kami ho ay last week nag meeting na ng mga mayors at napag-usapan na ang contingency plan.”

Itinaas ng Phivolcs ang alert level 2 sa Taal na nagbibigay babala sa pagkakaroon ng magmatic activity na posibleng magresulta sa pagsabog ng bulkan.

Sabi ni Ponggos, “Wala namang masyadong usok na lumalabas sa bulkan sa ngayon.”

Bagamat hindi pa ipinag-uutos ang paglikas ng mga residenteng nakatira malapit sa bulkan, pinapaalalahanan naman ng Phivolcs ang publiko na ang Volcano Island ay isang permanent danger zone at ang pagpasok dito ay mahigpit na ipinagbabawal.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.