DepEd naghahanda sa pagbabakuna ng mga guro

Naghahanda na ang Department of Education sa pagbabakuna ng mga guro, ayon kay Secretary Leonor Briones.

Ayon sa kalihim, nakikipag-ugnayan na siya kay vaccine czar Carlito Galvez kaugnay nito.

Aniya, “Most likely second quarter maaano na ‘yong sa teachers kasi inuuna iyong frontliners. Saka sa second quarter dadating na iyong ibang mga commitments, iyong ibang vaccines.”

Pero hindi na idinetalye ng kalihim kung kailan o ilang guro ang babakunahan. Itinutulak ngayon ng DepEd ang pagsasagawa ng pilot test ng limitadong face-to-face classes sa ilang paaralan sa bansa upang matugunan ang mga hamong nararanasan sa distance learning.

Higit 1,500 paaralan ang nominado para sa pilot test pero mas maliit ang bilang ng mga paaralan na lalahok dito.

Binigyang diin ni Briones na mahalaga ang basbas at kooperasyon ng local government at mga magulang sa mga lugar na magsasagawa ng face-to-face classes.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.