‘Di na masyadong hassle’: Unified travel protocols, ikinatuwa ng DOT

Ikinatuwa ng Department of Tourism ang pagkakaaroon ng unified travel protocols sa lahat ng lokal na pamahalaan na layong mas luwagan ang mga proseso sa pagbiyahe sa loob ng Pilipinas.

Ayon kay DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat, “Excited kami na magsa-summer na at ‘yung protocols hindi ganun karami, uniform na, at ‘di na masyadong hassle. Eksakto lang, tapos magsa-summer na at meron pa tayong tinatawag na revenge tourism— gustong-gusto nang mag-travel ng ating mga kababayan.”

Sinabi ni Puyat na layon ng mga LGU na buksan muli ang turismo nang ligtas sa kanilang mga lugar.

Ika-26 ng Pebrero nang aprubahan ng Inter-Agency Task Force ang unified protocol para sa land, air, at sea travel.

Sa ilalim nito, hindi na gagawing mandatory para sa mga local tourist ang sumailalim sa COVID-19 testing at quarantine. Pero maaari pa ring hingin ito ng LGU na pupuntahan ng turista bago ang kaniyang takdang biyahe.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.