Ibinalik ng ilang lokal na pamahalaan sa Cebu ang pagpapatupad ng curfew at liquor ban bilang pagpigil sa pagkalat ng COVID-19, lalo na’t may nakitang mutation ng virus sa naturang lalawigan.
Sa Mandaue City, apektado ang karinderya ni Baby Pareja dahil sa tumal ng tao, kaya kaunti na lang ang kaniyang nilulutong putahe.
Aniya, “Mahirap pang sumakay, mahirap pang kumita.”
Naapektuhan na rin ang araw-araw na kita ni Alvin Limeta sa kaniyang sari-sari store dahil sa pagpapatupad muli sa liquor ban at curfew. Kung kaya bigas na lang muna ang binibida niya sa tindahan niya upang makabenta.
Ayon sa DOH, may dagdag na 34 samples sa Cebu na nagpakita ng mutations ng COVID-19 virus.
Sabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, posibleng ito ang dahilan sa mabilisang pagtaas ng mga kaso sa Cebu, pero pinag-aaralan at iniimbestigahan pa nila ito.
Nasa mahigit 3,000 ang active COVID-19 cases sa Cebu City.