Tiniyak ng Department of Tourism na pinag-aaralan nilang husto, kasama ng ibang eksperto, ang guidelines sa muling pagbubukas ng mga industriyang tulad ng mga parke, national sites at historical landmarks sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine.
Pahayag ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, “Lahat ng guidelines naming dumadaan sa health experts, hindi lang ang DOT ang gumagawa o economic managers. Lahat ito may gabay ng mga doktor, ng mga infectious disease doctor. Hindi naman kami magbubukas kung ‘di pwede o wala silang OK. Nung na-propose ito, kasama ang Department of Health.”
Dagdag niya, “Ang Intramuros, open air naman ‘yun, is under the Department of Tourism, matagal na naming na-submit ang health and safety protocols. Ang maganda kasi sa Intramuros, malaki siya at naghahanap na talaga ang tao nang mapupuntahan lalo na dito sa Metro Manila.”