Sa espesyal na pulong ng Pangkalahatang Konseho ng World Trade Organization na idinaos noong Pebrero 15, hinirang si Ngozi Okonjo-Iweala bilang bagong Direktor-Heneral ng WTO.
Kaugnay nito, ipinaabot ng opisyal ng Ministri ng Komersyo ng Tsina ang pagbati ng panig Tsino sa panunungkulan niya sa nasabing posisyon.
Sinabi niya na sa mahabang panahon, malaking pagpupunyagi ang ginawa ni Okonjo-Iweala sa larangan ng pagbabawas ng karalitaan sa mga umuunlad na bansa at usaping pangkalusugan sa buong daigdig, kaya mayroong siyang mayamang karanasan sa pamamahala sa isang pandaigdigang organisasyon.
Dagdag pa riyan, sinabi niyang patuloy pa rin ang pagkalat ng pandemiya ng COVID-19, at nahaharap ang sistema ng multilateral na kalakalan sa malalaking hamon.
Aniya, lipos ang kompiyansa ng panig Tsino sa panunungkulan ni Okonjo-Iweala bilang Direktor-Heneral ng WTO.