UP handang makipagdayalogo sa DND tungkol sa 1989 accord

Ipinipilit pa rin ng Unibersidad ng Pilipinas ang pagpapanumbalik ng 1989 agreement nila kasama ang Department of National Defense na makakapasok lang ang mga sundalo at pulis kapag may pasabi sa mga opisyal ng paaralan.

Kasabay dito ang ulat na bukas sa dayalogo si Defense Secretary Delfin Lorenzana para pag-usapan ang isyu ng academic freedom matapos niyang putulin ang kasunduan.

Ayon kay Lorenzana, may kinakausap siyang kaibigan para mamagitan dahil nais nyang makausap ang pamunuan ng UP.

Ani Elena Pernia, UP vice president for public affairs, “As of now we have not received anything in writing, we have made a statement as well that we welcome it and all that we want is some agreement on the date and the venue. We are really hoping that it occurs very soon.”

Ang pagpapalawig ng academic freedom sa lahat ng mga unibersidad at kolehiyo ang isinusulong ni Senador Francis Pangilinan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.