Digital Dinagyang 2021, inobatibo at matagumpay na kaganapan

Idinaos noong Enero 24 ang Pestibal ng Dinagyang sa pamamagitan ng online na plataporma.

Inilarawan ni Iloilo Mayor Jerry Treñas ang Dinagyang Festival ngayong taon bilang “isa sa mga pinakamahusay” na pagdiriwang.

Ang Pestibal ng Dinagyang ay isang makulay at napakasayang pagdiriwang ng relihiyon at kultura ng Iloilo na ginaganap sa mga lansangan, subalit dahil sa COVID-19, ipinasiya ng lokal na pamahalaang idaos ito sa mas inobatibong paraan.

Sa ilalim ng temang,“One Dinagyang, One Iloilo Halad kay Senior Santo Niño,”ligtas na pinanonood ng mga Ilonggo ang kasiyahan sa kanilang mga tahanan, habang ipinamalas sa buong mundo ang pagtatanghal ng iba’t ibang tribu sa pamamagitan ng pag-stream ng pre-filmed na pagtatanghal sa social media.

Ayon sa alkalde, kahit binago ng pandemiya ng COVID-19 ang paraan ng pamumuhay ng mga taga-Iloilo, ang kanilang pananampalataya sa Señor Santo Niño ay nananatiling matatag.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.