Alert Level 1 sa Metro Manila, hanggang Hulyo 15 – Malacanang

Mananatili ang Metro Manila sa ilalim ng Alert Level 1 simula July 1 to 15, ayon sa
Malacanang.

Ginawa ni acting presidential spokesperson at Communications Secretary Martin
Andanar ang pahayag matapos i-update ng IATF ang mga matrix na gagamit para sa

Alert Level System, at sa alert level classification ng mga probinsya, highly urbanized
cities, independent component city, component cities at munisipyo.

Aalisin sa bagong matrix ang dalawang linggong growth rate sa pagtukoy sa mga “case
risk classification.” Ang case risk classification ay ibabase sa average daily attack rates
at kanilang kasalukuyang limitasyon o thresholds.

Gayunpaman, pinanatili ng IATF ang total bed utilization rate at main metric para health
system capacity.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.