Booster sa 12-17 anyos, larga na uli

Lumarga na uli ang bakunahan ng booster shot sa “adolescent group” o ‘yong nasa
edad 12-17 makaraang magbigay na ng suporta dito ang Health Technology
Assessment Council o HTAC, ayon sa Department of Health.

Unang hinarangan ng HTAC ang implementasyon ng adolescent booster vaccination
pero nakipagdayalogo dito ang National Vaccination Operations Center o NVOC dahil
sa mababang resulta ng booster vaccination.

Gagamitin ng NVOC ang Pfizer/BioNTech COVID-19 vaccine na tanging nabigyan ng
emergency use authorization para sa mga bata.

Wala pa namang eksaktong petsa kung kailan uumpisahan ang booster vaccination sa
adolescents dahil sa hinihintay pa ang ilalabas na panuntunan ng NVOC.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.