Duterte: ‘Maraming salamat sa inyo’

“Sa sambayanang Pilipino, maraming, maraming salamat sa inyo.”

Ito ang maiksing pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga tagasuporta
na nagdaos ng isang “farewell concert” para sa kanya noong Linggo ng gabi sa Quirino
Grandstand sa Luneta, Maynila.

Sumabay din si Duterte sa pagkanta ng grupo ng mga doktor at medical frontliners sa
awit na “Fill the World with Love”, at naki-duet sa singer na si Martin Nievera sa awit na
“Ikaw”, kasabay ng fireworks display.

Nagkaroon din ng drone show na mga salitang “Salamat” at “PRRD”, mukha ng
Pangulo, simbolo ng kanyang kamao, at watawat ng Pilipinas.

Ayon sa mga organizers, higit sa 3,500 ang dumalo sa concert na galing sa iba’t ibang
parte ng Metro Manila at mga karatig-lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.