Higit 100 ‘di bakunadong commuters, pinababa sa PUVs

Mahigit isang daang commuters na hindi pa bakunado ang pinababa sa mga pampublikong transportasyon sa unang araw ng “no vaccination, no ride” policy ng DOTr sa NCR noong Lunes.

Tulad ng inaasahan, nagpakalat ang pamahalaan ng mga tauhan ng PNP, LTFRB at I-ACT sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila upang mag-inspeksyon sa mga PUVs para sa mga di pa bakunadong pasahero.

Sa pagtaya ng I-ACT, mahigit isang daang unvaccinated passengers ang napababa sa mga PUVs noong Lunes ng umaga at pinagsabihang magpabakuna muna.

May ilan ding mga drivers ang sinita at pinatigil sa pamamasada matapos matuklasang hindi pa sila bakunado o isang dose pa lamang ang natatanggap.

Hindi rin muna inisyuhan ng ticket ang mga taong lumabag sa polisiya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.