7 close contacts ng 2 Omicron cases, negatibo sa COVID-19

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na agad na isinailalim sa COVID-19 test ang walong natukoy na close contacts ng dalawang kaso ng Omicron variant sa bansa, at pito sa walo ang negatibo.

Nabatid na isa lamang ang close contact ng 48-year-old na ‘returning Filipino’ galing Japan. Paliwanag niya, “Close contact had a negative RT-PCR released last December 4 based on the arrival line list. You may be wondering why there is only one close contact for our 48-year-old male from Japan. It was because he was seated in business class, and it was just one passenger with him in this business class section.”

Ang 37-year-old na Nigerian national naman na mula sa Nigeria ay may pitong close contacts sa flight. Anim sa kanila ay napalabas ng quarantine makaraang mag negatibo sa test habang biniberepika pa ang isa.

Paliwanag pa ni Vergeire na hindi lahat ng kasamahang pasahero ay ikinukunsiderang ‘close contacts.’ Lahat naman umano ng mga pasahero ay isinailalim muna sa quarantine at ang mga nag negatibo sa test ang napapalabas ng isolation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.