50% ng NCR, 6 high-risk areas unahin sa bakuna – OCTA

Inirekomenda ng OCTA Research Group sa pamahalaan na unahing mabakunahan ang 50 porsyento ng populasyon ng National Capital Region at anim na ‘high-risk areas’ para mas maagang makamit ang ‘herd immunity’ ng bansa kontra COVID-19.

Bukod sa Metro Manila, kailangang maging prayoridad din umano ng gobyerno ang Tuguegarao, Santiago, Baguio, Cainta (Rizal), Cebu, at Imus (Cavite) dahil sa mataas na ‘attack rates’.

Tinatayang nasa 8 milyong indibiduwal ang kailangang mabakunahan sa mga lugar na ito na na­ngangailangan ng 16 milyong doses.

Ayon sa OCTA, “In many countries that have vaccinated 50% of the population, there has been an immediate impact on herd containment of COVID-19. This is the immediate target in high-risk areas.”

Iniulat ng OCTA na ang 80% ng mga bagong COVID-19 cases na naitala sa bansa ay mula sa Metro Manila, Calabarzon, Central Luzon, Central at Western Visayas.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.