Seafarers, pinasasama sa priority list ng bakuna

Inianunsiyo ng Department of Transportation na kasama na rin ang mga Filipino seafarers sa priority recipients ng COVID-19 national vaccination program ng pamahalaan.

Ito’y matapos na aprubahan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang rekomendasyon ng DOTr na kilalanin ang mahalagang gampanin ng mga Filipino seafarers ngayong may COVID-19 pandemic.

Dating B3 (other essential workers) o B5 (overseas Filipino workers) sa vaccination priority framework ang mga seafarers.

Samantala, nabatid na ang mga seafarers ay klinasipika naman sa A4 priority group.

Ang top priority ay ipagkakaloob sa mga aktibong seafarers o yaong may recorded sea service sa nakalipas na tatlong taon, habang ang mga bagong seafarers naman o yaong ang record ay lampas sa 2018 ay papangalawa.

Sinabi ng DOTr na mayroong mahigit sa 730,000 Filipino seafarers na ikinukonsidera para sa A4 category.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.