Galing Mexico… FDA nagbabala sa pekeng COVID-19 vaccine

Nagbabala at inalerto ng Food and Drug Administration ng Pilipinas ang publiko at medical health professionals laban sa isang uri ng ‘falsified’ na bakuna laban sa novel coronavirus disease na natukoy na ginagamit sa Mexico na posibleng ilegal na makapasok sa bansa.

Sa isang FDA advisory, binalaan ang publiko laban sa paggamit ng “BNT16b2” na itinuring na ‘falsified’ ng World Health Organization kamakailan matapos matuklasang mali at hindi totoo ang nakalagay sa label ng gamot.

Nakalagay sa label na COVID-19 Vaccine BNT12b2 na may expiration date na August 24 (pero walang taon kung kailang mae-expire); manufacturer na Pfizer BIONTECH; at English packaging language.

Kamakailan lang kinumpirma ng WHO na ang bakuna ay hindi produkto ng Pfizer at falsified din ang batch at expiry date ng nasabing bakuna na nadetect na itinuturok sa Mexico na hindi sakop ng authorized vaccination programs.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.