BSP pinakikilos sa pagbawi ng pera ng ‘scam victims’

Hinikayat ni Senator Grace Poe ang Bangko Sentral ng Pilipinas na tulungan ang mga biktima ng scams na mabawi ang kanilang pera.

Ayon sa senadora, maaaring gamitin ng BSP ang impluwensiya sa mga bangko para matulungan ang mga biktima.

Mismong ang BSP na ang umamin na marami pa rin ang nagdududa sa ‘online transactions’ dahil sa pangamba nila na mabiktima ng scam o ma-hack ang kanilang account.

Sabi ng namumuno sa Senate committee on Banks, Financial institutions and Currencies, “Individuals deserve proper and timely support. People should be at the core of what government does and no one should be too small to ignore.”

Dagdag ni Senador Poe, kung matutugunan ang isyu ng mga konsyumer at maibabalik ang pera ng mga biktima, maaring bumalik ang tiwala sa online transactions.

Sabi pa niya, marami na ang nawalan ng trabaho at dapat na hindi naman mawala ang kanilang ipon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.