Industriya ng LPG matatag sa gitna ng pandemya

Maraming industriya ang pinadapa ng COVID-19 at nawalan ng trabaho, pero may negosyo rin na patuloy namang naghahatid serbisyo-publiko sa mamamayan tulad ng industriya ng LPG.

Ayon sa dating mambabatas na si Arnel Ty, malaki ang naging kontribusyon ng kanilang organisasyon para mapanatili ang trabaho sa gitna ng pandemya.

Para kay Ty, pangulo ng partidong LPG Marketers Association at founder ng Republic Gas Corporation, malaki ang naiaambag ng industriya ng LPG sa lipunan lalo na sa panahon ng pandemya.

Aniya, “Hindi kami nagtanggal ng mga tao, bagkus nagdadagdag pa kami.”

Itinuring din ni Ty na frontline professionals ang kanilang mga tauhan at miyembro ng organisasyon dahil sa pagharap nila sa banta at panganib ng COVID.

Ipinagmalaki rin ni Ty na simula nang ipatupad ang community quarantine sa bansa, hindi nagbago ng presyo o tumaas ang halaga ng LPG sa panahon ng pandemya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.