BRI, landas ng pagbabawas ng kahirapan at pagpapalaki ng kabuhayan – Xi Jinping

Sa kanyang video speech sa seremonya ng pagbubukas ng 2021 Boao Forum for Asia noong Martes, ika-20 ng Abril, sa lalawigang Hainan ng Tsina, binigyan-diin ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na sa pamamagitan ng “Belt and Road Initiative,” may pag-asang makahulagpos, hanggang taong 2030, mula sa matinding karalitaan ang mga 7.6 milyong populasyon sa daigdig at umahon mula sa katamtamang karalitaan ang mga 32 milyong iba pa.

Sinabi din ni Pangulong Xi, batay sa bukas na diwa, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng iba’t ibang kinauukulang panig, para paunlarin ang “Belt and Road Initiative” tungo sa landas ng pagbabawas ng kahirapan at pagpapalaki ng kabuhayan.

Ayon sa Pangulo ng bansang Tsina, ito ay para makapagbigay ng ambag para sa magkakasamang kasaganaan ng buong sangkatauhan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.