Sinovac vaccine ‘di dahilan ng stroke – DOH

Nilinaw ng Department of Health na walang koneksiyon ang naiturok na Sinovac vaccine sa isang 54-anyos na lalaking mula sa Caloocan na-stroke matapos mabakunahan.

Tiniyak muli ng DOH na ang naturang bakuna na gawa sa Tsina at iba pang COVID-19 vaccines ay ligtas at epektibo.

Ipinaliwanag ng DOH na lumitaw sa assessment na isinagawa ng kanilang adverse events committee at ng Food and Drug Administration na ang stroke ng lalaki ay hindi dulot ng bakuna at inconsistent sa causal association ng bakuna.

Binigyang-diin din nito na ang stroke na naganap sa lalaki ay “coincidental” lamang sa emerging conditions ng pasyente.

Anito pa, “The DOH and FDA strongly emphasize that vaccines are SAFE and EFFECTIVE in affording protection against COVID-19 and in preventing the severe form of” the novel coronavirus disease.

Sa isang social media post ay sinasabing ang lalaki ay hypertensive at diabetic, ay dumanas umano ng iba pang sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.