Clearing works sa itatayong ‘airport train’ ng Pinas, sinimulan

Pinasimulan na ng Philippine National Railways ang clearing works para sa pagtatayuan ng bagong istasyon ng tinaguriang kauna-unahang magiging “airport train” ng Pilipinas sa Barangay Iba O’ Este, Calumpit, Bulacan na mag-uugnay sa Clark International Airport sa Pampanga.

Ayon kay Assistant Secretary Goddes Hope Libiran ng Department of Transportation, ang clearing works ay bahagi ng pre-construction activities bilang paghahanda sa aktuwal na pagtatayo ng Phase 2 ng North-South Commuter Railway Project.

Tinatawag din itong Malolos-Clark Railway Project na bubuhay sa dating ruta ng riles ng PNR mula Malolos.

Ang itatayong tatlong palapag na Calumpit station ay sakop ng riles ng tren mula Malolos­ hanggang sa Apalit, Pampanga.

Gagawin ito ng kontratista na joint venture ng Korean companies na Hyundai Engineering & Construction, Dong-Ah Geological Engineers at Pilipinong kompanya na Megawide Construction.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.