Ivermectin ‘di epektibo vs COVID-19 — Health expert

Hindi suportado ng controlled data o ginawang pag-aaral ng iba’t ibang bansa na epektibo ang anti-parasitic drug na Ivermectin na panggamot laban sa novel coronavirus disease, sa kabila ng pagsusulong ng ilang grupo para gamitin ito sa bansa.

Ayon kay infectious disease expert Dr. Edsel Salvana, “Ivermectin is very popular in South America where it is used for worms. A lot of countries started it using it out of desperation. Clearly, the controlled data, the data studies that are coming out really don’t show that it’s working.”

Aniya pa, “Early data showed that maybe it works in a Petri dish, maybe it works in certain subsets of patients, but when they did the big clinical trials with proper controls for any kind of bias, it turns out it doesn’t work.”

Ikinalungkot din ni Salvana na ang nagpo-promote sa paggamit ng Ivermectin ay non-medical professionals, sa kabila pa ng kawalan ng datos na nagpapakita ng benepisyo nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.