Kalakalang panlabas ng Tsina noong unang kuwarter, tumaas ng 29.2%

Ayon sa datos na inilabas noong Abril 13 ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, noong unang kuwarter ng taon, umabot sa o mga 1.3 trilyong dolyares ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng Tsina, at ito ay lumaki ng 29% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.

Ang ASEAN ay nananatili pa ring pinakamalaking trade partner ng Tsina, sa pamamagitan ng 1.24 trilyong yuan na pag-aangkat at pagluluwas.

Kasunod nito ay ang Unyong Europeo, Amerika at Hapon, ayon sa pagkakasunud-sunod.

Magkahiwalay na lumaki ng 21% at 23% ang pag-aangkat at pagluluwas ng Tsina sa mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road, at mga trade partner ng Regional Comprehensive Economic Partnership.

Nagpapakita itong kasabay ng pagpapanatili ng paglago ng kalakalang panlabas sa mga pangunahing trade partner, naging mas dibersipikado ang kalakalang panlabas ng Tsina.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.