Duterte top 1, Velasco kulelat sa Publicus Asia survey

Nakopo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang top 1 rating sa pinakabagong survey sa ginawa ng Publicus Asia.

Naitala ni Duterte ang 65% approval rating at 55% trust rating sa March online survey na nilahukan ng 1,500 respondents mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Pumangalawa si Senate President Tito Sotto na may 41% approval rating, pangatlo si VP Robredo na may 29%, at sinundan ni Supreme Court Justice Diosdado Peralta na may 28% approval rating. Nasa huling puwesto si House Speaker Allan Lord Velasco na may 25% approval rating at 14% trust rating survey.

Ang survey ay ginawa ng Publicus Asia sa gitna ng pandemyang at siyam na modules ang ginawa kabilang na dito ang estado ng ekonomiya ng bansa, Covid-19 vaccine prioritization, national issue kasama na ang tungkol sa trabaho at Covid-19 at scorecard ng mga senador, at scorecard ng opisyal at institusyon ng gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.