Supply ng oxygen tanks, kinakapos na rin

Kinakapos na rin ng supply ng oxygen tanks sa Bambang sa Maynila dahil sa pag-alagwa ng mga tinatamaan ng COVID-19.

Ayon sa ilang supplier sa lugar na kilalang bilihan ng medical supply at equipment na naramdaman ang kakapusan sa oxygen tanks simula noong Holy Week.

At dahil umano sa high demand, tumaas na rin ang presyo nito. Nagpaalala ang Department of Health sa mga supplier na iregulate ang pagbebenta ng oxygen tanks dahil sa baka kapusin sa supply ang mga pagamutan.

Nagbabala rin ang tanggapan sa publiko na huwag mag-stock ng oxygen tanks sa kani-kanilang bahay.

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, maaaring iniisip ng publiko na madaling i-administer ang oxygen tank, pero ang hindi nila alam may kaukulang level ng oxygen ang kailangang maibigay sa isang indibiduwal base sa kanyang kondisyon.

Aniya, “Kung sinabi ng doktor mo na kailangan mo ng oxygen, iyon ang tamang oras para kumuha nito.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.