Pagbabakuna sa mga dayuhang nasa Tsina, patuloy; kabilang ang estudyante

Sa iba’t ibang parte ng China, tuluy-tuloy ang pagbabakuna sa mga dayuhan.

Isa si Ramil Santos sa mga dayuhang estudyante sa Tsina na nagdesisyong magpabakuna matapos ialok ito ng Beijing University of Aeronautics and Astronautics.

Aminado ang Ph.D. candidate sa Flight Vehicle Design, School of Astronautics na noong una, siya’y may agam-agam at pangamba dahil walang katiyakan na epektibo ang bakuna at sa magiging reaksyon nito sa kaniyang katawan.

Sabi niya, “Sumugal ako at nagpasiya na magpabakuna para sa aking kaligtasan kahit hindi ko alam kung anong mangyayari sa hinaharap. Nagbayad kami ng…187 yuan sa kabuuan dahil hindi daw ito sakop ng aming insurance policy.”

Sinovac ang bakunang itinurok kay Ramil. Ikinuwento niya na siya’y “kailangang magpahinga ng 30 minuto para obserbahan ang…pakiramdam. Ngunit wala naman [siyang] naramdaman o kahit anong masamang nangyari.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.