VP Robredo, naglunsad ng libreng tele-konsulta

Libreng tele-consultation service ang bagong handog ng tanggapan ni Vice President Leni Robredo, bilang tugon sa patuloy na pangangailangan ng atensyong medikal sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ang Bayanihan E-Konsulta Facebook page ay inilunsad ng Bise Presidente para makatulong sa mga outpatient cases sa Metro Manila at iba pang karatig lugar na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine.

Ayon kay Robredo, layon ng inisiyatibo na magbigay ng tulong medikal lalo na sa mga mahihirap. Sa ilalim ng proyektong ito, maaaring magpalista para sa konsultasyon sa Facebook Messenger, kahit pa gamit ang free data.

Ito’y ginawa ng Office of the Vice President para “makatulong…maka-decongest ng mga hospitals. Na iyong mga pasyente, whether COVID or non-COVID, na hindi naman kailangang ma-hospitalize, at least kahit nasa bahay lang sila, mayroon silang medical help na matatanggap.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.