Mga pulis sa checkpoint, regular na isasalang sa RT-PCR test

Isasailalim sa regular na RT-PCR test ang mga pulis na nagmamando ng checkpoint sa NCR Plus bubble para masiguro na ligtas ang mga ito sa COVID-19.

Ito ang inihayag ni Philippine National Police Spokesperson Brigadier General Ildebrandi Usana matapos ang pagpulong ng mga opisyal ng PNP bilang paghahanda sa pagpapatupad ng modified enhanced community quarantine sa NCR plus bubble hanggang Abril 30.

Aniya, inutos ni PNP Chief General Debold Sinas ang regular na medical examination lalo pa at tuloy ang mga boundary checkpoint na ipinatupad ng PNP sa pagpapatupad ng curfew at pagsita sa mga lumalabag sa minimum standard health protocols.

Paliwanag ni Usana, ang mga alituntunin na ipinatupad ng PNP noong unang inilagay sa MECQ ang NCR noong nakaraang taon ang kanilang magiging template sa pagkakataong ito.

Pero binigyang diin niya na walang aarestuhin at sisitahin lang o pagmumultahin ang mga violators.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.