Pateros irerekonsidera ang planong pagsingil ng service fee sa ayuda

Inihayag ng Department of the Interior and Local Government na irerekonsidera ng lokal na pamahalaan ng Pateros ang proseso ng isasagawa nitong distribusyon ng ayuda para sa mga residenteng naapektuhan ng enhanced community quarantine sa NCR Plus.

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, naabisuhan na nila ang Pateros hinggil dito at tiniyak nitong irerekonsidera nila ang kanilang proseso.

Napaulat na plano ng lokal na pamahalaan na maningil ng service fee na 20 hanggang 50 piso upang mabayaran ang kumpanyang kinuha nito para siyang mamahagi ng ayuda sa residente sa masmabilis na paraan, gamit ang electronic services.

Sinabi ng DILG official na bagama’t kahanga-hanga ang kagustuhan ng Pateros na mapabilis ang distribusyon ng ayuda ay hindi naman tama na i-charge ang naturang service fee sa mga residente, na matindi na ngang naapektuhan ng lockdown at pandemya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.