50 health workers sa Central Visayas dineploy sa Metro Manila

Nasa 50 health workers mula Central Visayas ang ipinadala sa Metro Manila upang makadagdag sa kakulangan nito sa mga pasilidad ng gobyerno dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa National Capital Region Plus.

Sinabi ni Dr. Mary Jean Loreche, tagapagsalita ng Department of Health-Central Visayas, na noong ika-7 ng Abril ang flight health workers patungo sa Manila.

Bilang sagot ito sa panawagan ng mga ospital sa NCR plus na pawang nagdeklara na ng ‘full capacity.’ Ipahihiram ang health workers sa loob ng isang buwan dahil nasa 28 porsyento lang aniya ang healthcare critical care utilization rate ng southern region.

Ani Loreche, una nang nakaranas ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 ang southern region na nagawa namang matugunan sa pamamagitan ng “good case management control.”

Makatatanggap ang mga health workers ng basic at premium pay, special risk allowance at iba pang benepisyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.