Vlogger, inulan ng fake delivery booking

Ikinugulat ng isang babeng vlogger nang sunud-sunod na delivery ang dumating sa kaniyang bahay.

Sa reklamo ng biktimang si Rosmar Tan sa Manila Police District, unang dumating ang delivery ng milk tea na nagkakahalaga ng 300 piso na napilitan niyang bayaran. Ilang minuto lang nang nagdatingan na rin ang delivery ng pizza, chicken, shawarma, at may sex toys pa na binayaran na lang niya upang hindi na rin magalit ang couriers at delivery riders.

Umabot na sa 15,000 piso umano ang nabayaran ng biktima na sa huli ay natuklasang may ‘fake bookings’ na gumagamit ng kaniyang gmail account.

Isa sa delivery riders ang nagtext sa nag-place ng order at nakatanggap ng reply ang rider na sabihin kay Tan na magbigay ng 5,000 piso para mahinto na ang mga fake booking.

Nagbabala ang pulisya sa mga gumagawa ng fake booking na maari silang makulong ng hanggang anim na buwan sakaling matunton at makasuhan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.