Science for Change Act, ibabalik ang Pinas na sentro ng R&D sa ASEAN

Habang bumibilis ang pagsulong ng teknolohiya sa mundo, tiniyak ni Albay Representative Joey Salceda na maibabalik ang Pilipinas ng ‘Science for Change Act’ bilang sentro ng pananaliksik sa agham at teknolohiya sa ASEAN region.

Ayon kay Salceda, may-akda ng panukala na inaprub kamakailan ng Kamara, nais niyang manguna ang Pilipinas bilang sentro ng R&D gaya ng dati, kung kailan itinuturing ito ng mga ahensiya sa pananaliksik gaya ng International Rice Research Institute, Texas Instruments at iba pa, na dapat nilang kalagyan sa rehiyon ng ASEAN.

Ang Pilipinas ay naglalaan lamang ng 0.16% ng GDP nito sa R&D. Halos tatlong beses o 0.44% naman ang Vietnam, habang ang Singapore na nangunguna sa kanila ay 2% ang inilaan dito.

Ipinaliwanag ni Salceda na may kaugnayan ang pagsulong ng isang bansa sa ginagasta nito sa R&D, dahil “ang talino at kaalaman ay sadyang malaki ang bahagi sa pundasyon at pagsulong ng yaman ng mga bansa.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.