COVID-19 ‘surge’ patuloy, mga ospital ‘full capacity’ pa rin

Nararamdaman pa rin ng mga health workers ng Philippine General Hospital ang coronavirus ‘surge’ dahil ‘full capacity’ pa rin ang intensive care unit nito habang 90 porsyento ng COVID-19 beds ay okupado, ayon sa tagapagsalita na si Dr. Jonas Del Rosario.

Dagdag niya, “Marami po kaming mga pasyenteng severe, ang iba po critical naghihintay po ng kama, ‘yung iba po nasa emergency room.”

Sinabi ni Del Rosario na hindi na nila maasikaso ang mga pasyenteng may malalang kaso na ini-refer ng ibang ospital dahil puno na ang kanilang ICU.

Aniya, ang occupancy ng mga kama ay 230 mula sa 250 COVID-19 beds. Hindi rin pwedeng magdagdag pa ng mga kama na may ICU setting dahil kailangang may mga espesyalistang doktor at nurses na kailangan ding tututok doon.

Isinara na rin ang dalawang non-COVID wards at hindi na tatanggap pa ng non-COVID patients maliban na lang kung agaw-buhay at ‘yung manganganak na o imminent deliveries.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.