5 guro dumalo sa DepEd gatherings, patay sa COVID-19

Lubos na nabahala ang Provincial Inter-Agency Task Force on COVID-19 ng Isabela ma­apos malagasan ang Department of Education ng limang guro dahil sa impeksiyon sa coronavirus na nakuha nila umano sa pagdalo sa ipinatawag na mga pagtitipon ng kagawaran.

Sa social media advisory ng Task Force, tinukoy nito ang pagkamatay ng dalawang Schools District Supervisors at tatlo pang guro sa iba’t ibang bayan sa Isabela nitong nakaraang 10 araw.

Nabatid sa pulong ng Task Force kamakalawa sa tanggapan ni Governor Rodolfo Albano sa Ilagan City na nasagap ng mga nasawing guro ang COVID-19 sa pagdalo ng mga face-to-face gatherings na ipinatawag ng kagawaran mula Marso 16 hanggang 22 sa iba’t-ibang lugar.

Bunsod nito, isang malawakang contact tracing sa hanay ng mga guro ang inilunsad ng Department of Interior and Local Government upang matukoy ang hanggang third generation contacts ng mga nasawing guro.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.