Mga gusali sa Quezon City gagawing isolation facilities ng COVID-19 patients

Nagsimula nang sumuri ng mga gusali ang local government unit ng Quezon City na maaaring gawing dagdag na isolation facilities para sa mga pasyente ng COVID-19.

Ilan sa mga gusali na sinusuri ay mga local government infrastructures, public school buildings at mga dormitories na maaaring gamitin bilang isolation o quarantine facilities para mabawasan ang bilang ng hawahan ng coronavirus disease at maiwasan ang pagsisikip sa pasyente sa mga emergency rooms at iba pang hospital facilities.

Pahayag ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, “This is the fastest way to decongest our hospitals while also mitigating further spread in the barangays. Since asymptomatic or those with mild symptoms do not need extensive medical care, they can be admitted in these facilities until their full recovery.”

Dagdag ni Belmonte, ang mga medical workers tulad ng mga nurses at doctors ay itatalaga dito para masubaybayan ang mga pasyente.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.