Hilagang Korea, hindi sasali sa Tokyo Olympics

Ayon sa ulat ng Yonhap News Agency na lumabas noong Martes, ika-6 ng Abril, nagpasya ang Hilagang Korea na hindi na sumali sa Tokyo Olympic Games dahil nananatiling malala pa rin ang kalagayan ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019.

Sapul nang sumiklab ang pandemiya, agarang isinasagawa ng Hilagang Korea ang mahigpit na hakbanging kinabibilangan ng pagsara ng hanggahan, upang pigilan ang pagkalat ng virus.

Paulit-ulit na inihayag ng official media ng Hilagang Korea na hanggang ngayon, walang kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang natuklasan sa loob ng bansa.

Alang-alang sa pag-iingat kaugnay ng pandemiya ng COVID-19, pinasya ng International Olympic Committee at ng organizers ng Tokyo Olympics na walang dayuhan mula sa labas ng Japan ang papayagang manood sa venues ng Olympic games.

Ang mga aktibidad ay magsisimula sa ika-23 ng Hulyo at magtatapos sa ika-8 ng Agosto ngayong taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.