Mga dayuhang lumalabag sa quarantine rules, ipapa-deport

Binalaan ni Bureau of Immigration Commissioner Jaime Morente ang mga dayuhan na ipatatapon pabalik ng kanilang bansa kung lalabag sa mga panuntunang itinakda ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases kaugnay sa quarantine period.

Ani Morente, dapat na sumunod ang mga banyaga sa batas ng Pilipinas, at ang pagbabalewala sa mga panuntunan at sa mga awtoridad ay magiging dahilan para sa kanilang deportasyon.

Matatandaang noong nakalipas na taon, isang Spanish national ang inilagay sa blacklist ng BI dahil sa umano’y pambabastos sa mga tauhan ng Makati Police at paglabag sa umiiral na enhanced community quarantine.

Ang kawalang-galang sa persons of authority ay maikukonsiderang undesirable aliens.

Ani Morente, “Foreign nationals who disrespect symbols of our country and persons of authority are not welcome in the Philippines.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.